NBI, magsasagawa ng autopsy sa labi ng nag-viral na ‘killer cop’ na si Jonel Nuezca

416

Magsasagawa ng autopsy ang National Bureau of Investigation sa labi ng dating pulis na si Jonel Nuezca na nasawi noong Nobyembre 30 sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Kahapon nang kumpirmahin ni Bureau of Corrections Director Gabriel Chaclag ang pagkamatay ng dating pulis habang naka-confine sa NBP hospital.

Ayon kay Chaclag, naglalakad si Nuezca sa labas ng dormitory building nang mag-collapse dahilan upang isugod sa pagamutan.


Nito lamang Agosto 26, hinatulan ng 2 counts of murder si Nuezca dahil sa pagpatay nito sa mag-inang sina Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Tarlac noong nakaraang taon na nakuhanan ng video at nag-viral pa sa social media.

Facebook Comments