NBI, nakaabang pa rin sa paglutang ng iba pang respondents sa pagkamatay ni Christine Dacera

57

Nakaabang pa rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paglutang ng iba pang respondents sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ay matapos na ‘no show’ sa NBI Headquarters kahapon ang respondents at sa halip ay mga abogado lamang ang sumipot.


Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na ito na sana ang pagkakataon para malinis ng respondents ang kanilang mga pangalan.

Mahalaga rin aniya ang salaysay ng mga ito para malinawan ang kaso.

Tiniyak din ni Lavin na patas ang gagawin nilang imbestigasyon sa kaso.

Una nang inatasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang NBI na pumasok na sa nasabing imbestigasyon matapos na magkaroon ng pabagu-bagong pahayag ang Philippine National Police (PNP) sa resulta ng kanilang mga paunang pagsisiyasat.




Facebook Comments