Wednesday, June 10, 2026

NBI, papasok na rin sa imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang atleta ng Ateneo de Manila University

Handa ang National Bureau of Investigation o NBI na imbestigahan ang sinasabing pagkalunod ng dalawang atletang sa Aurora habang nagsasagawa ng boot-camp.

Ayon kay NBI Chief Atty. Melvin Matibag, makikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng biktima para sa isasagawang imbestigasyon.

Ang mga atleta ng Ateneo de Manila University (ADMU) na sina Divine Adili at Rene Clert Baterbonia ay nalunod sa team-building Activity sa Aurora.

Aniya, handa silang tumalima sa hirit ng ilang mambabatas para sa isasagawang imbestigasyon lalo na’t may kakayahan ang mga itong magsagawa ng malaliman at forensic investigation.

Una nang nanawagan ang House of Representatives sa NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagkalunod ng dalawang atleta lalo na’t lumutang na nagkaroon ng pasa sa katawan ang isa sa mga biktima.

Kinuwestiyon din ng ina ni Rene Baterbonia kung bakit nasa dagat ang kanyang anak at may mga weight o pabigat sa mga kamay at paa.

Facebook Comments