NBI, papasok na rin sa imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera

66

Pinakilos na rin ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sa bisa ng Department Order #006 na pirmado ni Justice Secretary Menardo Guevarra, inaatasan ang NBI na magsagawa na rin ng imbestigasyon sa kaso ni Dacera na nasawi noong January 1, 2021 sa isang hotel sa Makati City.


Sakaling makitaan ng NBI ng sapat na ebidensiya, inatasan ito ng DOJ na magsampa ng kaukulang reklamo laban sa mga taong posibleng sangkot sa krimen.

Pinagsusumite rin ng kalihim ang NBI ng report sa loob ng sampung araw kung ano ang itinatakbo ng kanilang imbestigasyon sa kaso.

Una na ring tumulong ang NBI Forensic Medicine Team sa imbestigasyon ng PNP.

Facebook Comments