NBI, papasok na sa imbestigasyon kaugnay ng dialysis center na sangkot sa Philhealth ghost patients scam

Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation o NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa operasyon ng WellMed Dialysis Center.

 

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ng nasabing dialysis center sa sinasabing ghost claims sa Philhealth.

 

Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, ang hakbang ni Guevarra ay kaugnay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NBI na ipaaresto ang may-ari ng kontrobersyal na dialysis center.


 

Sinabi ni Perete na agad na maglalabas ng statement sa publiko ang DOJ sa sandaling matapos ang gagawing imbestigasyon ng NBI

 

Kapag mapatunayang aniya na may pananagutan ang Wellmed sa ghost dialysis operations ay agad na ipapa-aresto ang mga opisyal ng dialysis center.

Facebook Comments