NBI, papasok na sa imbestigasyon laban sa mga nagpapakalat ng fake news kaugnay ng nCoV

1271

Manila, Philippines – Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) para mag-imbestiga laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita o fake news kaugnay ng novel corona-virus.

Sa kanyang department order, inatasan ni Secretary Guevarra si NBI Director Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon at case build-up at kung sasapat ang mga malilikom na ebidensya ay agad maghain ng kaukulang kaso.

Pinagsusumite rin ang NBI ng ulat kaugnay ng progreso ng imbestigasyon.


Pormal na ring inatasan ni Secretary Guevarra ang NBI na makipag-koordinasyon at tulungan sa Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng contact tracing sa mga indibidwal na nakasalamuha ng dalawang Chinese nationals na nagpositibo sa NCOV.

Facebook Comments