NBI, sinimulan na ang final review sa imbestigasyon ukol sa PNP-PDEA misencounter

Umarangkada na ang final review ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat nito sa nangyaring misencounter ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City nitong February 24.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, nakahanda na ang mga isasampang kaso.

Inaalam na nila kung sinu-sino sa mga sangkot sa insidente ang dapat makasuhan.


Nabatid na limang katao na kinabibilangan ng dalawang pulis, dalawang PDEA agent at isang PDEA informant ang namatay.

Una nang sinabi ng PNP at PDEA na ang kanilang operasyon ay lehitimo.

Facebook Comments