NBI, tutulong na rin sa imbestigasyon ng pagkamatay ng flight attendant sa Makati City

66

Tutulong na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon ng pagkamatay ng flight attendant sa Makati City na si Christine Dacera.

Kasunod ito ng mga panawagang imbestigahan na rin ng ahensya ang kaso at pagkokonsidera ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra na ipag-utos sa NBI ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa kaso.


Sa ngayon, ipinag-utos na ng NBI ang pagsasagawa ng ikalawang autopsy sa labi ni Dacera.

Facebook Comments