NBI, tutulong na sa paghahanap sa isang nawawalang abogado

122

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahanap sa abogadong ilang araw nang nawawala.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, inumpisahan na ng kanilang mga ahente ang paghahanap kay Atty. Ryan Oliva, ang pinuno ng Legislative Liaison Unit (LLU) ng Department of Tourism (DOT) at Law Professor ng University of the Philippines (UP).


Sinabi ni Lavin, tumugon sila sa request ng kapatid ni Oliva na sinusubukan ding mahanap ang abogado.

Sa ngayon, natagpuan na nila ang taong huling nakakita kay Oliva.

Pero aminado ang NBI na wala pang malinaw na motibo sa pagkawala ng abogado.

Facebook Comments