NCAA | San Beda at Lyceum, maghaharap sa finals ng men’s basketball tournament

13

Manila, Philippines – All set na ang finals ng men’s basketball tournament ng NCAA Season 94.

Ito ay matapos na manalo ang Lyceum Pirates at San Beda Red Lions sa kani-kanilang laro sa final 4 kung saan kapwa nila hawak ang twice to beat advantage.

Unang tinambakan ng Pirates ang Letran Knight sa score na 109-85 habang ang Red Lions ay tinalo ang Perpetual Altas sa score na 83-72.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay tinalo ng Red Lions ang Lyceum sa game 3 ng NCAA Season 93 kaya at nakuha nila ang kampeonato.
Mapapanood naman ang game 1 sa November 6, alas-4:00 ng hapon MOA Arena.

Facebook Comments