NCAP, ipapatupad din sa ilang pangunahing kalsada —SolGen Guevarra

Ipapatupad din sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa Metro Manila ang No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ito ay makaraang bawiin ng Korte Suprema ang Temporary Restraining Order sa pagpapatupad nito alinsunod sa inihaing urgent motion na inihain ng Office of the Solicitor General na kumatawan para sa MMDA.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, iiral din ang NCAP sa ibang mga kalsadang nasa ilalim ng hurisdiksyon ng MMDA.

Kabilang sa tinukoy ni Guevarra ang EDSA, C5, Katipunan, Marcos Highway, Roxas Boulevard, Commonwealth, Quezon Avenue, West Avenue, E. Rodriguez, Buendia, at iba pa.

Layon din aniya nito na mas maging disiplinado ang mga motorista, mas maayos ang daloy ng trapiko at mabawasan ang mga aksidente sa kalsada.

Facebook Comments