NCR, hindi muna dapat luwagan matapos ang ECQ – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na hindi muna dapat luwagan ang mga restriksyon sa National Capital Region (NCR) oras na matapos ang ipinatutupad na Enhanced Commmunity Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Ayon kay Professor Ranjit Rye ng OCTA, dapat dahan-dahanin ang pagluluwag sa mga restriksyon.

Aniya, mula sa ECQ ay dapat ibaba lang muna sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang klasipikasyon sa Metro Manila hanggang sa unti-unting pagluwag.


Magsisimula ang pagsailalim ng Metro Manila sa ECQ sa August 6 at magtatagal hanggang August 20, 2021.

Facebook Comments