NCR, mananatili sa GCQ habang quarantine restriction sa Cebu, pinaluwag na

60

Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula bukas, August 1.


Ito ay sa kabila ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan pinakamataas na porsiyento ay naitatala sa National Capital Region (NCR).

Bukod sa Metro Manila, isasailalim din sa GCQ ang Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Zamboanga City.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay isasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Kaugnay nito, naglatag ng mga kondisyon ang pamahalaan para sa pagpapairal ng GCQ sa Metro Manila at CALABARZON.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kabilang dito ang mahigpit na pagpapatupad ng localized lockdown, massive targeted testing, intensified tracing at pag-quarantine sa mga close contacts ng mga may COVID-19.

Bukod sa paghuhugas ng kamay, social distancing at pagsusuot ng face mask, magiging bahagi na rin ng minimum health standards sa Metro Manila at CALABARZON ang pagsusuot ng face shield.




Facebook Comments