NCRPO at SPD, binalaan ang mga hepe ng pulisya

Manila, Philippines – Binalaan ng pamunuan ng National Capital Region Police Office at ng Southern Police District ang mga hepe ng pulisya.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto sa apat na pulis ng Makati PNP Intelligence Unit matapos masangkot sa extortion activity.

Dahil sa naturang insidente, nasibak din sa pwesto sina Makati Police Chief, Senior Supt. Dionisio Bartolome at Makati PNP Intelligence Unit Head, Chief Inspector Oscar Pagulayan.


Nakakulong na ngayon ang apat na tauhan ng Makati Police na sina PO2 Harley Garcera, PO2 Clarence Maynes, PO1 Tim Santos at PO1 Jeffrey Caniete.

Inatasan ng pamunuan ng NCRPO at SPD ang mga hepe ng pulisya na i-monitor ng mabuti ang aktibidad ng kanilang mga tauhan para hindi sila malagay sa alanganin.

DZXL558

Facebook Comments