NCRPO, bumisita at nakipag-pulong sa mga namumuno sa simbahan sa Arzobispo de Manila sa Intramuros

80

Personal na binisita ni National Capital Region Police Office o NCRPO Police Major General Debold Sinas ang mga pari sa Arzobispo de Manila sa Intramuros.

Bukod sa pag-bisita, nakipagpulongg na din si General Sinas kasama ang iba pang NCRPO Senior officers kina Bishop Broderick Pabillo, New Apostolic Administrator, Archdiocese of Manila, Fr. Nonong Fajardo at Fr. Chris Fajardo na ginanap sa Arzobispo de Manila Conference Room.


Ito ay para pag-usapan ang pagkakaroon ng police visibility at mahigpit na seguridad sa mga simbahan at chapels tuwing may misa lalo na kapag linggo.

Kasama na din sa pinag-usapan ang plano sa seguridad bilang paghahanda sa nalalapit Semana Santa.

Bahagi din ng pagpunta ni General Sinas ay para makipag-ugnayan kung papaano magiging spiritially healty ang bawat pulis bukod sa pagiging mentally at physically fit.

Isa din daw itong paraan para mas mapalapit pa ang lahat ng mga tauhan ng ncrpo sa mga namumuno sa simbahang katoliko kung saan muli silang magkakaroon ng pag-uusap para maglabas ng mga programa upang mapataas pa ang moralidad ng lahat ng kapulisan.

Facebook Comments