NCRPO Chief Danao Jr., binisita ang SPD

19

Nagsagawa ng command visit si Police Maj. Gen. Vicente Danao Jr. sa Southern Police District (SPD) kaninang umaga.

Sakanyang talumpati, sinabi nito na ang kaniyang pagbisita ay isang paalala para sa mga tiwaling pulis ng SPD.


Babala niya na bago matapos ang kanyang termino bilang chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), uubusin niya ang mga tiwaling o eskalawag na mga pulis ng National Capital Region (NCR).

Kasabay nito, pinanguhan din niya ang pagtanggap ng mga sasakayan, motorsiklo at mga baril na ibinigay sa SPD.

Pormal din niyang binuksan ang SPD medical clinic.

Sinira rin nito ang mga nakumpiskang video karera at fruit machine mula sa kanilang operasyon laban sa iligal na sugal.




Facebook Comments