NCRPO Director Major Gen. Debold Sinas, na-ospital

Naka-admit ngayon sa Chinese General Hospital and Medical Center si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Debold Sinas.

Sa isang statement, sinabi ni Sinas na simula alas-5:00 ng hapon ay naka-admit na siya sa ospital para sa kaniyang annual medical check-up na tatagal ng dalawang araw mula August 20 hanggang 22.

Ito aniya ang dahilan kung bakit itinalaga si Police Brig. Gen. Nolasco Bathan bilang Officer in Charge ng NCRPO hangggang sa kanyang pagbabalik.


Pero sinabi ni Sinas na patuloy pa rin niyang i-momonitor ang sitwasyon sa NCRPO mula sa ospital.

Kung mayroong emergency na nangangailangan ng kanyang supervision, tiniyak ni Sinas na magiging available pa rin siya.

Facebook Comments