NCRPO, handa na sa pagdating ng COVID-19 vaccines ngayon araw

30

Naglatag na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng security plan para matiyak na walang magiging aberya sa paghahatid ng COVID-19 vaccines mula sa paliparan patungo sa mga tinukoy na storage facility.

Sa harap ito ng inaasahang pagdating ngayong araw ng Chinese vaccines na Sinovac.


Ayon kay NCRPO spokesperson Police Lt. Col. Jenny Tecson, may tamang bilang sila ng mga tauhang nakatalaga sa paghahatid ng mga bakuna.

Aniya, tiyak na makakarating nang ligtas ang mga bakuna dahil nagkaroon na ito ng koordinasyon.

Matatandaang nagsagawa ng simulation exercise ang NCRPO kaugnay sa proseso ng pagde-deliver ng mga bakuna sa mga lugar na pagdadalhan nito.

Facebook Comments