NCRPO, magdedeploy ng mahigit 20-K na mga pulis para sa tranlasyon ng poong Nazareno sa ilalim ng new normal

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Vicente Danao Jr. na magpapakalat sila ng 27,000 na mga pulis sa ilang lugar ng lungsod ng Maynila kasabay ng paggunita sa tradisyonal na translasyon ng Poong Nazareno.

Kahit sa kabila na kanselado ang pagdaraos ng prusisyon ng Poon sa Sabado dahil din sa umiiral na banta ng COVID-19.

Bagamat kanselado ngayong taon ang nakagawin sa translasyon, magsasagawa naman ng misa sa San Sebastián Basilica, Sta. Cruz Church, at Nazarene Catholic School Gymnasium bilang extension na gagawing misa sa Quiapo Church.


Aminado naman si Danao na malaking hamon sa kanila ang pagpapatupad ng social distancing pero payo niya sa mga dadagsang mga deboto na sundin ang mga health protocols at huwag magdala ng backpack at may mga kulay na sisidlan bilang bahagi ng seguridad.

Facebook Comments