NCRPO, magtataas sa full-alert status sa nalalapit na Sea Games

40

Magtataas na sa Full Alert Status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Nov. 25 bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Ayon kay NCRPO Director, Police Brig/Gen. Debold Sinas, magtatagal ang alerto hanggang December 14.


Nasa 8,000 na Pulis at Force Multipliers ang ipapakalat para magbantay sa 19 na pagdarausan ng Sea Games.

Wala namang namo-monitor ang NCRPO na banta sa seguridad.

Facebook Comments

From Advertisers