NDRRMC at OCD, naka-red alert status na para sa Eleksyon 2022

28

Isinailalim na sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Office of Civil Defense (OCD) para sa Halalan 2022 sa Lunes.

Susuportahan ng dalawang ahensya ang Commission on Elections (COMELEC) sa “COVID-proofing” o ang pagbibigay ng medical supplies at iba pang logistical requirements para sa COVID-19 operations sa mismong araw ng halalan.

Sa ipinalabas na memorandum ng National Task Force Against COVID-19 (NTF), inatasan ang OCD, Regional Task Forces (RTFs), at Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMC) na makipag-ugnayan at sumunod sa mga kinakailangan ng COMELEC.


Matatandang sinabi ng COMELEC na maaari pa ring bumoto sa mga isolation polling places ang mga botanteng makikitaan ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments