NDRRMC, pinayuhan ang publiko na ipadala ang donasyon sa mga mapagkakatiwalaang charities

COURTESY: Alagang Angara Twitter

Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko laban sa mga mapagsamantala ngayong dagsa ang mga donasyon para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon sa NDRRMC, hinimok nila ang publiko na ipaabot lamang ang donasyon sa mga organisasyon o institusyong mayroong ‘track record’ o mapagkakatiwalaan pagdating sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Para sa mga donasyon, maaaring makipag-ugnayan sa NDRRMC Donations Focal sa numerong 0917-827-5743.


Facebook Comments