NDRRMC tumanggap ng  20 milyong pisong halaga ng relief supplies  mula sa isang foundation para sa mga Taal evacuees 

80

Isang foundation ang nagbigay ng 20 milyong pisong halaga ng mga relief supplies sa mga pamilyang apektado ng pagputok ng bulkang Taal.


 

Ang donasyon ay ibinigay ng Melco Resorts Philippines Foundation sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

 

Mismong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang chairman ng NDRRMC, NDRRMC Executive Dir and USEC Ricardo Jalad ang tumanggap ng donasyon.

 

Ang mga relief supplies na ito ay ang 163 portable toilets at tents maging mga relief goods na para sa mga pamilyang nanatili pa rin sa  evacuation centers.

 

 

Sa ngayon tumutulong na rin ang NDRRMC sa nasabing foundation sa paghahanap ng lugar  sa Batangas at Cavite kung saan maaring itayo ang mga portable toilets.

Facebook Comments