Necrological Service sa mga Labi ni dating BM Hernandez, Idadaos sa Bayan ng San Mateo!

203

*San Mateo, Isabela*- Magdadaos ng Necrological Service sa mga labi ni dating Board Member Napoleon “NAP” Hernandez sa tanggapan ng Bayan ng San Mateo, Isabela sa darating na Martes (July 9, 2019) bilang pagpupugay sa mga naging ambag nito sa taumbayan noong siya ay nanunungkulan pa.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Placida Hernandez, inalok siya ng dating Gobernador na ngayon ay Bise Gobernador na si Bojie Dy para idaos sana ang necrological service sa mga labi ng yumaong Nap Hernandez sa kapitolyo ngunit ito’y kanyang tinanggihan dahil sa naging desisyon ng pamilya na sa Bayan ng San Mateo nalang ito isagawa.


Matatandaan na pinagbabaril si Hernandez kasama ang kanyang asawa matapos dumalo sa Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal sa nasabing bayan.

Inilarawan din ni Ginang Hernandez na isang mabuting ama ang kanyang asawa na kakatalaga lang bilang Municipal Administrator sa nasabing bayan.

Nagpapasalamat ang Ginang sa patuloy na pakikiramay ng publiko sa kanilang pamilya

Bukas naman aniya sa publiko ang mga nais na bumisita sa burol ni dating BM Nap Hernandez sa isasagawang Necrological Service.




Facebook Comments