NEGATIVE | PRRD, iginiit na wala siyang cancer

Manila, Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabi na wala siyang cancer.

Ayon sa Pangulo, batay sa pinakahuling medical tests na isinagawa sa kanya negatibo siya sa kanser.

Aniya, walang suspetsa ang mga doktor na kanser ang nakitang “growth” sa kanyang esophagus o lalamunan pero nais lang nilang makatiyak kaya dalawang beses itong nagpatingin.


Inamin rin ng Pangulo na umiinom ito ng alak bago matulog sa gabi kahit na pinagbawalan na siya ng doktor.

Kasabay nito, itinanggi naman ng Pangulo na nagpatingin siya sa Hong Kong.

Aniya, nagbakasyon lang siya roon kasama ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments