Negosasyon ng AFP sa MILF, nagpapatuloy para sa pagsuko ng mga sangkot sa engkwentro sa Basilan kamakailan

Nagpapatuloy ang negosasyon sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) para isuko ng mga ito ang mga miyembro nilang sangkot sa pag-ambush sa mga sundalo sa Sumisip, Basilan kamakailan.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., nakabatay ito sa peace mechanisms pero hindi naman aniya tumitigil ang pursuit operations sa mga sangkot sa insidente.

Sa nasabing insidente, nasawi ang dalawang sundalo habang 12 iba pa ang sugatan matapos ang pag-atake ng mga rebelde habang nagsasagawa ng security operation ang mga tropa ng 101st Infantry Brigade para sa United Nations Development Program na layong magsagawa ng livelihood project sa lugar.


Facebook Comments