
Sisimulan na ng Pilipinas at Japan ang pag-uusap tungkol sa Acquisition and Cross Servicing Agreement o ACSA.
Nabatid na may kaparehong kasunduan ang Japan sa India kung saan itinatag ang isang framework tulad ng pagsasaayos ng mga procedure para sa palitan ng supplies at services sa pagitan ng Self Defense Forces of Japan at Indian Armed Forces.
Sa joint press statement ng dalawang lider sa Palasyo, sinabi ni Japan Prime Minister Shigeru Ishiba na sisimulan na ang government to government discussion ng potensiyal na konklusyon ng Security of Information Agreement.
Mahalaga rin aniya para kay Ishiba ang trilateral cooperation sa pagitan ng Japan, Pilipinas, at Amerika.
Samantala, binigyang diin naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Pilipinas ang kauna-unahang benepisyaryo ng Official Security Assistance ng Japan para sa defense and security cooperation., dahil sa loob ng tatlong taon nito ay naiangat na ang Department of National Defense.
Ayon sa Pangulo, malaki ang naitulong ng Japan sa pagpapapanatili ng kapaypaaan at pagkakaibigan ng lahat ng bansa.