Negosyante, arestado matapos lumabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act

89

Pagadian City, Philippines – Detinado ngayon sa Pagadian City Police Station lock-up cell isang kilalang negosyante sa lungsod ng Pagadian matapos lumabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act .

Kinilala ang suspek na si Benjamin Chiong, 59-anyos, residente sa Datoc Street , Sta. Lucia District sa nasabing lungsod.

Nalaman ng RMN Pagdian na ang suspek ang nagmamay-ari sa Chiong Consumers Mart, ang pag-aresto ng mga otoridad ay base sa warrant of arrest na inilabas ni Judge Dennis Vicoy ng municipal circuit trial court branch 23, 9th judicial region Pagadian City.
DZXL558

Facebook Comments