Negosyanteng nagbebenta ng pinuslit na bala ng militar, naaresto sa Cavite

133

Inaresto ng  pinagsanib na pwersa ng  Philippine National Police  at Philippine Army sa kanilang operasyon  ang isang negosyante sa Cavite na umano’y nagbebenta ng mga bala na ipinuslit mula sa Government Arsenal.

Kinilala ng CIDG ang suspek na si Joseph De Lima, na nahuli sa isang buy-bust operation kahapon sa Barangay Langkaan 2, Dasmarinas, Cavite.

Si Delima ay may-ari umano ng isang firing range sa Dasmariñas, Cavite, kung saan ibinebenta umano niya ang mga bala sa kanyang mga customer.

Si Delima ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 10591 o “the Unlawful Acquisition and Possession of Government Firearms and Ammunitions” matapos makuha sa kanyang pagiingat ang 3,000 piraso ng 5.56mm rifle rounds.

Sa ngayon nakikipagtulungan ang Philippine Army sa PNP para imbestigahan kung paano nakuha ni Delima ang mga bala mula sa government arsenal.

Facebook Comments