
Kapwa pinatay sa sakal gamit ang lubid ang negosyanteng Chinese na si Anson Que at ang kanyang driver.
Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo base na rin sa lumabas na autopsy report.
Ayon kay Fajardo, walang nakitang senyales ng torture o anumang uri ng pananakit sa katawan ng dalawang biktima.
Dagdag pa ni Fajardo, inaasahang ngayong linggo ay maisasampa na ang kaso laban sa mga itinuturong posibleng mastermind ng krimen.
Gayunpaman, tumanggi ang opisyal na magbigay ng karagdagang detalye ukol sa mga suspek dahil patuloy pa ang imbestigasyon.
Ang malinaw aniya sa ngayon ay kasong kidnapping for ransom with homicide ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek.
Facebook Comments