Negros Island Region Police Director, may apela sa mga hotel at mga mall owners matapus ang pangyayari sa Resorts World Manila

113

Negros Island Region – Umapela si Negros Island Regional Police Director Csupt Edmundo Gonzales sa mga hotel at Mall owners na paigtingin pa ang kanila security measures at magkipagtulungan sa mga otoridad matapos ang nangyaring insidente sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Inabisuhan rin ni Gonzales ang mga ito na i-review ang kanilang security system para hindi mangyari sa kanila ang nangyari sa Resorts World kung saan may 38 katao ang namatay kasama ang lone gunman.


Ayon kay Gonzales nasa pulis ang direktiba para sa pangkahalatang security measures pero kailangan nila ang tulong nga mga establishments.
DZXL558

Facebook Comments