Net satisfaction rating ni PRRD, tumaas sa 1st quarter ng 2019

“Very good”

Ito ang nakamit na satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang kwarter ng taon.

Base sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 79% ng mga Pilipino ang satisfied sa performance ng Pangulo habang 13% ang hindi.


Katumbas ito ng +66 na net satisfaction rating.

Mataas ito kumpara sa +60 na nakuha niya noong December 2018.

Ang pagtaas ng ratings ng Pangulo ay bunga ng dumaraming Pilipinong nasisiyahan sa kanyang pamamalakad mula Mindanao (15 points), Visayas (7 points), balance Luzon (4 points) at Metro Manila.

Ang survey ay isinagawa mula March 28 hanggang 31, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adult respondents sa buong bansa.

Facebook Comments