Net worth ni Vice President Leni Robredo, nabawasan ng 2.1 million pesos simula nang naupo ito sa pwesto

Manila, Philippines – Simula nang naupo sa pwesto, nabawasan ng 2.1 million pesos ang net worth ni Vice President Leni Robredo.

Batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN – bumaba sa 8,878,111 pesos and 43 centavos ang net worth ni Robredo noong December 2016, kumpara sa 10,53,138 pesos noong June 2016.

Bumaba rin ang total assets ni Robredo sa 15,778,111 pesos and 43 centavos mula sa 17,953,138 pesos sa kaparehong petsa.


Habang ang liabilities ni Robredo ay nanatili sa 6.9 million pesos.

Una nang naiulat ang SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tumaas ng mahigit 3.3 million pesos ang net worth nito na nasa mahigit 27 million pesos na.

DZXL558

Facebook Comments