NETIZEN NA NAG-OFFER NG 200M SA PAPATAY KINA ANGEL, KIM, AT COCO, LAGOT SA NBI

35

Ibinandera ni Angel Locsin sa social media ang netizen na nagbanta sa kanyang buhay pati na rin sa iba pang Kapamilya stars. Talagang ipinost ng aktres ang death threat ng nasabing Twitter user sa kanyang Instagram account para isapubliko ang pagbabanta nito kasabay ng pagtawag sa atensiyon ng National Bureau of Investigation.

Dito, sinabi ng Twitter user na bibigyan niya ng P200 million ang sino mang makakapatay kina Angel, Kim Chiu at Coco Martin. Caption ni Angel sa ipinost niyang screenshot ng death threat sa IG, “Hello, NBI? Beke nemen po…” Ang nasabing Twitter account ay ginawa lamang ngayong May 2020 at may 1 follower.


Bukod dito, may nirepost din si Angel na isang quote card kung saan inakusahan naman siyang supporter ng NPA. Sa comments section, nag-react ang fiance ni Angel na si Neil Arce, “NPA ka pala.” Hirit naman ni Angel, “Baka pwedeng makahingi naman ng pang ayuda kuya.” Pero mensahe niya sa kanyang followers, “Wag nyong imessage. Natawaloka lang ako.”

Samantala, kamakailan lamag ay isang teacher ang inaresto ng NBI matapos mag-post sa social media na magbibigay siya ng P50 million sa sinumang makakapatay kay President Rodrigo Duterte.

Facebook Comments