Nets, nakuha ang no. 7 seed sa NBA Eastern Conference matapos talunin ang Clippers

42

Nasungkit ng Brooklyn Nets ang ika-pitong pwesto sa Eastern Conference National Basketball Association (NBA) matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa score na 129-120.

Tumabo ng 27 points at 13 assists si Caris Levert at 25 points si Joe Harris para bitbitin ang Nets sa panalo.


Bagama’t humabol ang Clippers para maitabla ang score sa third quarter, hindi ito naging sapat para matalo ang Nets.

Nasayang naman ang 39 points si Kawhi Leonard para sa Clippers.

Facebook Comments