Mapapakinabangan na ng mga pasyente ng napiling health facilities sa Region 1 ang ipinamahaging Newborn Hearing Screening Machines mula sa Department of Health Ilocos Region.
Sumailalim ang ilang kawani ng mga napiling ospital sa pagsasanay ukol sa wastong paggamit ng naturang kagamitan maging sa Newborn Hearing Screening Personnel Certification Course.
Ayon kay DOH Ilocos Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco, makatutulong ito para sa agarang assessment kung may hearing impairment partikular ang mga bagong Silang na sanggol, at mabigyan ng nararapat na medikal na atensyon.
Dagdag ni Nicole Bugarin,Nurse III , Regional Coordinator for Newborn Screening na hindi umano agad makikita ang sintomas sa mga bata sakaling mayroong problema sa kanilang mga tenga kaya mahalaga ang pagsasailalim ng lahat ng mga bagong panganak sa Hearing screening upang maagap din ang paglunas dito.
Kabilang sa sampung ospital na tumanggap ng machine ay ang Conrado Estrella Regional Medical Center, Mapandan Community Hospital, Sual Primary Care Facility, Anda Rural Health Unit. Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital, Balaoan District Hospital, Ilocos Sur Medical Center, ISDH Sta. Lucia at ISDH Magsingal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨