Next big goal ni Julia Barretto: “To be a mother”

53

“A baby!”

Ito ang mabilis na sagot ni Julia Barretto matapos siyang tanungin ng kanyang kapatid na si Dani kung ano na lang ang kulang sa current stage ng buhay niya.


Sa YouTube vlog ni Dani, sinabi ni Julia na pakiramdam niya ay may purpose siya sa mundo at iyon ay maging isang ina.

Umaasa naman ang aktres na magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya limang taon mula ngayon kung saan target niyang magkaroon ng apat hanggang limang anak.

Si Julia ay magdiriwang ng kanyang ika-24 na kaarawan sa Marso.

Hindi naman binanggit ng aktres kung sino ang kanyang “would-be-husband”.




Matatandaang sinabi rin kamakailan ng nali-link sa kanyang si Gerald Anderson na nais na rin niyang mag-asawa at magka-anak.

Facebook Comments