NFA, bumili ng 5 milyong sako ng palay sa mga magsasaka

61

Umabot na sa halos limang milyong sako ng palay ang nabili ng NFA mula sa mga magsasaka.

Ayon kay NFA OIC Administrator Tomas Escarez, 4.7 milyong sako ng palay o dalawangdaan at tatlumpung libong metriko tonelada ang nabili nila mula Enero hanggang Mayo.


Malayo aniya ito sa nabili ng NFA sa nakalipas na taon na umabot lang sa halos apat na libong metriko tonelada ng palay.

Sabi ni Escarez, malaking tulong ito sa mga magsasaka dahil mas malaki ang kanilang kinikita mula sa NFA kumpara sa inaalok ng mga trader.

Facebook Comments

From Advertisers