NFA, nakapaghatid na ng tone-toneladang supply ng bigas sa Tawi-Tawi

52
Photo Courtesy: NFA TAWI-TAWI

Naihatid na ng National Food Authority (NFA) sa Tawi-Tawi ang dalawampu’t walong libong (28,000) bags ng supply na bigas sa Iloilo.

Ang shipment ng bigas ay kahilingan ni Tawi-Tawi Governor Yshmael Sali bilang karagdagang rice requirement ng lalawigan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


May nauna nang dumating na 38,000 bags ng bigas noog Abril mula sa NFA Iloilo.

Alinsunod sa Marketing Plan, may inaasahan pang 16,000 bags ng bigas ang darating sa lalawigan bago matapos ang taon.

Nagpaabot na ng pasasalamat ang lalawigan sa suporta ng pamunuan ng NFA dahil sa mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan doon.

Facebook Comments