NFA Region 9, pinawi ang pangamba sa pagkalat ng pekeng bigas

31

Zamboanga Peninsula – Pinawi ng National Food Authority (NFA) Region 9 ang pangamba ng karamihan sa pagkalat ng mga pekeng bigas .

Sinabi ni NFA-Region 9 Director Angel Imperial Jr., na agad silang nagsagawa ng imbestigasyon sa mga pamilihan at walang nakitang peke na bigas sa Zamboanga Peninsula.

Paglilinaw din nito na mula pa noong 2015 ay may mga natanggap na silang parehas na ulat subalit hanggang sa ngayon ay wala pang napapatunayan na mayroong nakapasok na pekeng bigas.

Paalala naman ni Imperial sa mga mamimili na doon sa mahigit siyam na libong NFA accredited stores sa rehiyon 9 bibili ng bigas upang makakasiguro.

Facebook Comments