NFA RICE | 39 pesos na well-milled rice, mabibili na sa NCR

24

Manila, Philippines – Simula ngayong araw, mabibili na sa mga pamilihan sa National Capital Region (NCR) ang well-milled rice sa halagang P39.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesperson Rex Estoperez, pagtugon ito ng mga rice traders sa pangako nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Apela naman ni Estoperez sa mga mamimili na bumili lamang ng hindi hihigpit sa pangangailangan para mapagbigyan rin ang iba na nais makabili ng murang bigas.

Kasabay nito, tiniyak ng NFA na magkakaroon na muli ng murang bigas sa merkado sa susunod na buwan.

Paliwang ni Estoperez, sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ay darating na ang mga bigas na inangkat ng gobyerno.

Facebook Comments