
Todo na rin ang paghahanda ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa paparating na bagyong Ramil.
Ayon sa power system operator, nagpapatupad na sila ng mga pre-caution para malimitahan ang epekto ng bagyo sa kanilang mga transmission operations at pasilidad.
Sinabi pa ng transmission service provider, kinabibilangan din ng kanilang paghahanda ang pagsigurong reliable ang kanilang communications equipment, availability ng mga hardware materials at supplies na puwedeng gamitin sa repair ng mga napinsalang mga pasilidad.
Nakahanda na rin ang kanilang line crews sa mga strategic area para pangunahan ang agarang restoration work.
Facebook Comments









