NIA REGION 2, NAKIISA SA MOA SIGNING SA USL TUGUEGARAO

Cauayan City – Nakibahagi ang National Irrigation Administration (NIA) Region 2 sa Ceremonial Signing ng Memorandum of Agreement (MOA) kahapon, ika-apat ng Pebrero, sa Bulwagan Teodulfo Domingo Building, University of Saint Louis (USL) Tuguegarao.

Sa temang “Building Bridges, Forging Futures,” layunin ng kasunduang ito na pagtibayin ang ugnayan ng USL at NIA upang mahubog at magabayan ang mga susunod na lider na may mahalagang papel sa pag-unlad ng bansa.

Dumalo sa seremonya mula sa NIA Region 2 sina Ms. Rubelita S. Bancod, CPA (Administrative & Finance Division Manager) at Ms. Amalia M. Ramos (Administrative Services Chief A), at iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.


Pinatunayan ng pagtitipong ito ang halaga ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor upang makalikha ng mas maunlad at mas magandang kinabukasan para sa lahat.

Facebook Comments