Nigerian na mastermind sa honey love scam at Pinay live-in partner, arestado sa entrapment operation

286

Naaresto ng Airport Police Department (APD) ang isang Nigerian national at Filipina live-in partner nito na kapwa sangkot sa honey love scam.

Kinilala ang Nigerian na si William John Ani, 29-anyos at ang kaniyang fiance na si Endera Villajuan, 25-anyos.


Ayon kay APD Police Investigation Division Chief Lt. Jesus Ducusin, nahuli nila ang dalawang suspek habang kinukuha ang pera sa isang remittance center sa Baguio City.

Ginawa ang naturang operasyon matapos dumulog sa APD ang panibagong biktima ng honey love scam na si Jocelyn Perazdigo na tauhan ng Philippine Navy.

Ayon kay Ducusin, international ang operation ng sindikato at mula sa Indonesia ang pinakamastermind ng grupo.

Karamihan aniya sa mga binibiktima ng mga ito ay mga OFW.



Nanawagan naman si APD Chief Col. Adrian Tecson sa iba pang mga na nabiktima ng grupo na lumantad para matulungan nila.


Naisailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 315 ng revised penal code, estafa or Swindling In Relation To Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments