Night market sa Baclaran, bubuksan na rin

55

Kasado na ang pagbubukas ng night market sa Baclaran epektibo sa darating na Biyernes, November 27,2020.

Partikular na nilinis ng Joint Task Force ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Pasay City Local Government Unit (LGU) ang bahagi ng Taft Avenue sa Baclaran district.


Ito ang kauna-unahang night market na pinayagan ng MMDA na magbukas sa panahon ng general community quarantine kung saan 130 tents ang itatayo rito.

Tiniyak naman ng Pasay City LGU na mahigpit na paiiralin sa night market ang health protocols tulad ng social distancing, body temperature checks, hand sanitization; gayundin ang paglalagay ng entry at exit points.

Tiniyak naman ni Pasay Mayor Emi Rubiano na ang mga maaapektuhang vendors ay papayagan pa rin na magtinda sa service road ng Roxas Boulevard mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Facebook Comments