Nighttime vaccination, inilunsad sa Valenzuela at QC

Sinimulan na ng lokal na pamahalaang lungsod ng Quezon at Valenzuela ang kani-kanilang nighttime vaccination program para sa mga essential workers.

Layon nito na mabigyan ng pagkakataong makapagpabakuna ang mga manggagawang walang panahong pumunta sa mga vaccination site sa araw.

Sa Quezon City, tinawag na “Bakuna Nights” ang programa na nagsisimula alas-6:00 ng gabi o pagkatapos ng working hours.


Kagabi rin nang simulan ng Valenzuela LGU ang kanilang night-shift vaccination program sa Pasolo Elementary School.

Facebook Comments