NILAGDAAN NA | Contempt order laban sa 4 na nang-isnab ng pagdinig hinggil sa drug smuggling, pirmado ng Senate Pres.

Manila, Philippines – Nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto III ang contempt order ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon laban sa apat na personalidad na nang-indyan sa pagdinig ukol sa drug smuggling.

Ito ay kinabibilangan nina dating Philippine Drug Enforcement Agency Director Ismael Fajardo, dating Police Supt. Eduardo Acierto, SMYD Trading Owner Marina Signapan at Emily Laquingan.

Ang SMYD ang consignee ng malaking bulto ng droga na hinihinalang laman ng mga inabandonang magnetic lifters sa isang bodega sa GMA, Cavite.


Habang si Laquingan naman ay asawa ng Chinese national na sangkot din umano sa nasabing drug shipment at kasamang nagtungo sa nabanggit na warehouse at kumuha sa drogang nakalaman sa nabanggit na magnetic lifters.

Facebook Comments