NILINAW | 3 pointer ng bayan, hindi ginastusan ng gobyerno

53

Manila, Philippines – Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na walang pondo ng taumbayan ang nagastos sa 3 pointer ng Bayan na inilunsad nitong weekend.

Ayon kay Andanar, inisyatibo at gastos ng mga kaibigan at supporters ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang nasabing aktibidad.

Ang mga sumusuporta aniya sa kampanya ng administrasyon mula sa pribadong sektor ang nag-organisa at gumastos at walang pondo ng gobyerno ang nagamit dito.

Isa aniya itong uri ng tulong ng mga naniniwala sa Administrasyon at naglalayon ding mahikayat ang mga kabataan na mundo ng palakasan o sports at maiwasan ang iligal na droga.

Bukod kina Go, Andanar at Public Works Secretary Mark Villar ay nagpunta din sa programa ang mga sikat na basketball player tulad nila, Alvin Patrimonio, Jerry Codinera at allan Caidic.

Facebook Comments