NILINAW | Affidavit ni Janet Napoles hinggil sa pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program, under assessment – DOJ

52

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Undersec. Erikcsson Balmes na
isinasailalim pa assessment ang affidavit ni Pork Barrel Queen Janet Lim
Napoles kaugnay ng pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program
(WPP).

Ayon kay Balmes, wala pa rin sa kustodiya ng WPP ngayon si Napoles dahil
provisional ang status ng admission nito.

Gayunman, sakali anyang hilingin ni Napoles ang karagdagang security
personnel at ayudang medikal, ipagkakaloob nila ito.

Sa ilalim ng Provisional Coverage ng WPP, si Napoles ay mabibigyan ng
proteksyon dahil narin sa banta sa kanyang buhay, mayroon ding allowance at
iba pang benepisyo.

Si Napoles ay ikinukonsiderang gawing state witness sa planong
reinvestigation sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance
Fund o PDAF ng mga mambabatas sa ilalaim ng Aquino Administration.

Facebook Comments