NILINAW | Asia’s songbird, itinangging siya ang dahilan ng reformatting ng isang noontime Sunday show

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Asia’s Songbird na hindi siya ang dahilan kaya magre-reformat ang noontime Sunday show na ASAP.

Say ni Regine, nagkataon lang ang pagdating niya sa show kaya isasabay na raw ang reformat sa kanyang pagpasok.

Aniya, last year pa daw na pinag-iisipan ng mga big boss ito pero nito lamang ipinatupad.


Pabiro pang sinabi ng Asia’s songbird na magiging drama show na umano ang ASAP.

Sa inilabas na AGB Nielsen nitong October, pumangalawa lang ang ASAP na nakakuha ng 4.5 percent mula sa kalaban nitong programa na “Sunday Pinasaya” na nanguna sa score na 6.2 percent.

Facebook Comments